Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese bakuna vs COVID `di pa sigurado – UP expert

0 94

May agam-agam ang isang health expert mula sa University of the Philippines -Philippine General Hospital (UP-PGH) sa bakunang tinutuklas ngayon sa China kontra COVID-19.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Dr. Lulu Bravo na kailangang maging maingat ang bansa sa pagkuha ng bakuna kontra COVID mula sa China.

Bago pa lamang aniya ang tinutuklas na bakuna ng China at nasa proseso pa lamang ng clinical trial kaya hindi pa sigurado kung talagang mabisa ito kontra COVID.

“Sa China, sa totoo lang medyo gusto ko talagang makita na maganda ang kanilang studies bago natin sabihing safe na iyan para ibigay sa Presidente,” ani Dr. Bravo.

Agad namang nilinaw ni Dr. Bravo na hindi niya sinasabing masama ang Chinese vaccine, bagkus ay nais lamang makasigurong ligtas at maganda ang natuklasang bakuna para sa mga gagamit nito.

“We should rely on the scientific data that will be produced. Hindi ko sinasabing masama iyong Chinese vaccine, ang sinasabi ko is until such time that we can and the experts will be able go, really himay-himayin iyan, titingnan nila maganda ba talaga `yan,” dagdag ni Bravo.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.