Abante Tonite Interactive

Chinese couple na-wow mali sa sex, misis 4 taon niyari sa puwet

By
3,003

Sa loob ng apat na taon, hindi pumapalya sa sex ang mag-asawa mula sa Bijie City sa China sa pagnanasang magkaroon agad sila ng anak.

Kaya nang hindi pa rin mabuntis si misis, 24-anyos, nagpatingin na siya sa doktor kasama ang 26-anyos niyang mister.

Sa pagtatanong ng obstetrician na si Liu Hongmei, sinabi ni misis na kapag nagse-sex sila ni mister, palagi siyang nasasaktan kaya’t inakala ng doktor na mayroon itong gynaecological disease.

Sa ginawang pagsusuri ng doktor, nagulat ito nang malaman na virgin pa rin si misis.

Kaya’t nagduda na ito na sa likod tinitira ni mister si misis at nang eksaminin niya ito, kumas­ya ang tatlong daliri ng doktor.

Sinabihan tuloy ng doktor ang mag-asawa na kaya hindi sila magkaanak ay dahil sa puwet ipinapasok ni mister ang kanyang ari, imbes na sa vagina ng misis.

Dahil dito, nagbigay ng handbook sa sex education si Doctor Liu at makalipas lamang ng ilang buwan ay nabuntis na si misis.

Nagregalo naman ng 100 itlog at isang buhay­ na manok ang mag-asawa sa doktor bilang pasasalamat sa ibinigay na tip tungkol sa tamang ­paraan ng pagse-sex.