Abante Tonite Interactive

‘Chinese desk’ vs kidnapping ilalagay

183

Plano ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Gamboa na maglagay ng mga ‘Chinese desk’ sa mga himpilan ng pulisya upang matugunan agad ang pagdagsa ng mga krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese national, partikular ang kidnapping-for-ransom.

Upang maisakatuparan ang nasabing plano, kailangan aniya ang koo­perasyon at partisipasyon ng mga Chinese sa pamamagitan ng kanilang embahada sa Pilipinas.

“We need the coope­ration of the Chinese people through their embassy. We will establish Chinese desks and cross training on language, on the culture so that mas maintindihan natin why they are doing this and how they’re going to do it,” paliwanag ni Gamboa sa isang press briefing.

Ayon kay Gamboa, una nang nagbigay ng inisyatibo ang gobyerno ng China at katunayan, inimbitahan nito ang mga miyembro ng PNP upang magsanay aniya sa China at pag-aralan kung paano ang kanilang mga ginagawa upang matunton ang mga sindikato.(Dolly B. Cabreza)