Abante Tonite Interactive

Chinese dinukot, ni-rape ng 5 sa Alabang

3,435

Arestado ang dalawa ­habang nakatakas ang ­tatlo pang Chinese national na ini­reklamo ng gang rape ng kanilang kababayan noong Martes sa Ayala, Alabang, ­Muntinlupa City.

Kinilala ang biktima na si ‘Yan,’ ‘di tunay na pangalan, nanunuluyan sa Room 310, Hop Inn Hotel, Madrigal Business Park II, Ayala, Alabang.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Wu Zhixiong, 24-anyos, nanunuluyan sa Room 308; Sun Yunpeng, 23, ng Room 319; Hung Lin, 19, ng Room 315; Zhang Ke, 24, ng Room 315; at Jiao Hang, 29, ng Room 306, pawang sa Hop Inn Hotel, Madrigal Business Park II, Ayala, Alabang, Muntinlupa City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig Police Community Precinct 5, pinasok at puwersahang kinuha ng mga suspek sa kanyang kuwarto at dinala sa kuwarto ni Yunpeng kung saan halinhinang pinagsamantala­han ang biktima.

Naganap umano ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali noong Martes.

Isang concerned citizen umano ang nakarinig sa biktima na humihingi ng tulong dahilan para tumawag siya ng pulis at maaresto si Zhixi­ong at Lin.

Dinala naman ang biktima sa SOCO Crame para sa beripikasyon.