Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese ‘doktor’ nag-oopera sa hotel

0 158

Arestado ng pulisya ang 58-anyos na Chinese national na nagpapatakbo ng isang underground clinic sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa paglabag sa RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 ang suspek na si He Pian Yun, na naninirahan sa Room 506, 5th floor, Oyo 196 Destiny Hotel na matatagpuan sa 4471 Mariano St Brgy. Poblacion, Makati.

SM food to go Banner Ad

Nakatanggap ng impormasyon ang Makati Police mula sa isa ring Chinese national, hinggil sa paggagamot at surgical operation ng suspek sa kanyang inookupang silid na ginagawa ring klinika.

Matapos maberipika ang kawalan ng kaukulang lisensiya at permiso sa pagbebenta ng gamot at pagpapatakbo ng klinika, kaagad na ikinasa ng pulisya at Bureau of Permit and Licensing Office ng Makati city hall ang pagsalakay.

Nakabili ng gamot na may Chinese character ang isa nilang impormante na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek. Nakuha rin sa loob ng silid ng dayuhan ang iba’t ibang uri ng gamot na ibinebenta sa mga parokyanong kababayan. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.