Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese General Hospital apaw na sa COVID patient

0 332

Pinayuhan ng mga opisyal ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) ang kanilang mga consultant na sa ibang pagamutan muna ipadala ang mga COVID-19 patient.

Ito’y makaraang ideklara na `full capacity’ na ang ospital dahil sa dumami pa umano ang severe COVID-19 cases sa kanilang pasilidad.

“This has a palpable impact on our resident and nursing manpower with deleterious effects on their physical and mental health and residency training,” paliwanag ni CGHMC medical director Dr. Samuel Ang at president/CEO Dr. James Dy sa isang liham noong Sabado, Hulyo 4.

Ayon sa mga opisyal, may protocol sa kanilang emergency room ang agarang pag-admit sa mga suspected cases na magnenegatibo sa rapid PCR test at ididiretso naman sa ibang ospital ang mga magpopositibo.

Kailangan umanong gawin ito na limitahan ang pagtanggap ng mga COVID patient para matiyak na patuloy pa rin silang makapagbibigay ng maayos na health care at bilang proteksyon na rin sa kanilang medical manpower.

Sa panig naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinabi nito na matagal na nilang inatasan ang mga pagamutan na maglaan ng kama para sa mga COVID-19 patient pero karamihan aniya ay hindi naman tumalima.

Ang standard aniya ay 30% bed capacity sa mga ospital.

“So if they declare that they have full capacity or the percentage of beds occupied in hospitals for COVID are high, we have to remember that these are just the assigned dedicated beds for COVID and not the entire hospital capacity,” ani Vergeire. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.