Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese herbal medicine walang pruweba vs COVID

0 160

Ipinahayag ng isang opisyal ng Philippine College of Physicians (PCP) na hindi nila nirerekomenda ang paggamit ng tradisyunal na Chinese medicine na Lianhua Qingwen bilang gamot sa COVID-19.

“Hindi ho `yan inirerekomenda ng Philippine College of Physicians. Dapat hindi rin `yan dapat i-prescribe basta-basta ng mga doktor dahil wala po tayong study na magpapakitang epektibo siya for COVID-19,” ayon kay PCP vice president Dr. Maricar Limpin.

Sinabi ni Limpin hindi umano ito ordinaryong herbal medicine.

Nauna nang nilinaw ni Food and Drug Administration (FDA) director general Undersecretary Eric Domingo na aprubado ang pagbebenta, prescription at paggamit nito sa Pilipinas bilang traditional medicine lamang. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.