Abante Tonite Interactive

Chinese hurdler nasalisihan sa Rio

101

Hindi pa nagsisimula ang 31st Olympic Games, may napipisil nang kandidato para sa pinaka-kakaibang istorya sa Rio de Janeiro.

Ayon sa report, nasalisihan si Chinese 110m hurdler Shi Dongpeng at kanyang cameraman pagkarating pa lamang sa Rio. Isa sa suspek ay lalaking nahuli ng guard na nagpanggap na langung-lango sa alak.

Iniulat ng International Sport Press Association na pagpasok pa lang ni Shi at kanyang cameraman sa room nila sa isang Rio hotel Lunes ng gabi, biglang sumugod ang isang lasing na lalaki at sinukahan ang hurdler. Nag-toilet si Shi at hinabol ng cameraman ang lasenggo.

Nang magbalik sila, naglaho na ang mga equipment ng cameraman.

Nakita sa security footage na decoy lang ang lasing para malingat si Shi at cameraman, may kasabawat na tumangay ng kanilang gamit.