Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese inabandona sa Cavite

0 55

Matapos umanong magreklamo dahil hindi pinapasuweldo ng pinapasukang call center, ibinaba na lamang ang isang Chinese national sa Ternate, Cavite Lunes ng umaga kung saan ito nakitang pagala-gala.

Kinilala ang Chinese national na si Wu Weihong, 31-anyos at isang call center agent.

Sa ulat ni Senior Master Sergeant Noel Villanueva ng Ternate Police, dakong alas-nuwebe ng umaga nang i-turnover sa pulisya ang biktima matapos na matagpuan habang pagala-gala sa bisinidad ng Kaybiang Tunnel sa Barangay Sabang 1 sa nasabing bayan.

Nalaman sa imbestigasyon na madaling-araw ng Lunes umano nang ibaba ng isang kulay gray na sasakyan na minamaneho ng isang Pinoy ang biktima sa nasabing lugar.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

“Isinakay siya, una sa isang puting van na may kasamang ibang dayuhan pero inilipat siya sa kulay gray na sasakyan na Pinoy ang nagmamaneho at doon siya ibinaba sa lugar,” ayon kay Villanueva.

Hindi marunong magsalita ng English ang dayuhan at nagkatindinihan na lamang sila ng mga awtoridad sa kanyang sinasabi sa pamagitan ng Goggle translator.

Sabi umano ng Chinese national, nagrereklamo siya sa kanyang pinapasukang kompanya bilang isang call center agent dahil hindi sila pinapasuweldo. Ito ang tinitingnang dahilan ng mga awtoridad kung bakit siya iniwan sa lugar.

Hindi naman nabanggit kung anong kompanya ang kanyang inirereklamo bagama’t dating nagtrabaho sa POGO subalit mag-resign na umano siya.

Nasa kustodiya ng Ternate Police ang Chinese national at nakatakdang dalhin sa China embassy sa Huwebes dahil pista opisyal umano ang nasabing tanggapan ng dalawang araw. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.