Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese kidnap gang tiklo sa Atrium Hotel

0 377

Arestado ang tatlo kataong pinaniniwalaang galamay ng kidnap gang habang nasagip ang isang Chinese national sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNPAKG) sa loob ng isang hotel sa Pasay City kahapon.

Kinilala ang naligtas na biktima na si Sun Xia Lin, 27, habang nadakip naman ang dalawa nitong kababayan na sina Li Fei, 28; Ye Hong, 27, parehong lalaking Chinese nationals, at Pinoy na si Alvin Cardeno Israel, 36.

Sa ulat ni P/Col. Rudolph Dimas, acting director ng AKG, alas-11:30 ng umaga nitong Mayo 18 nang ma-rescue nila ang biktima at maaresto ang mga suspek sa operasyon sa Atrium Hotel.

Mayo 16 kinidnap ng tatlo si Sun habang patungo ito sa isang clinic sa Makati City upang magpa-swab test dahil kailangan ito sa papasukang trabaho bilang POGO operator.

SM food to go Banner Ad

Nang araw din iyon ay kinontak ng mga suspek ang pamilya ng biktima sa China at ipinatubos ito nang P1,490,000 na agad namang binayaran ng pamilya sa pamamagitan ng online transfer.

Pero hindi pa rin pinakawalan ang biktima kahit bayad na ito kaya lumapit na sa tanggapan ng AKG ang isang kaanak ni Sun.

Matapos makumpirma ng AKG ang report ay bumuo na sila ng team upang planuhin ang operasyon.

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek sa tanggapan ng PNP-AKG sa Camp Crame at sinampahan na ng kaukulang kaso. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.