Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese laglag sa bentahan ng shabu

0 223

Kalaboso ang isang Intsik na hinihinalang miyembro ng sindikato sa droga sa isang buy-bust sa Paranaque City noong Miyerkules ng gabi.

KInilala ang suspek na si Li Nannan, 21, residente ng No. 7237, A. Bonifacio St., Barangay San Dionisio, Parañaque City.

Ipinosas agad ito ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police Station sa koordinasyon na rin ng Paranaque City Police, nang iabot niya sa poseur buyer ang binili sa kanyang droga sa halagang P5,000 sa kahabaan ng Kabihasnan cor. Ninoy Aquino Ave. Bgy San Dionisio, Paranaque City noong Miyerkules ng alas-5:05 ng hapon.

Nakumpiska rin sa suspek ang isa pang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalagang P34,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive dangerous drugs act ang suspek sa piskalya ng Paranaque City. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.