Abante Tonite Interactive

Chinese lumagapak sa condo

452

Masusing iniimbestigahan ng Manila Police District-Homicide Section ang pagbulusok ng isang 21-anyos na Chinese national na computer programmer mula sa ika-17 palapag ng tinutuluyang condominium kamakalawa sa Malate, Maynila.

Inaalam ni PMSg. Joseph Kabigting, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng ‘di na pinangalanang biktimang tubong Guandong, China na naninirahan sa isang condo sa Taft Avenue, Malate.

Naganap umano ang insidente alas-3:15 ng hapon kung saan sa terrace ng kanyang unit naganap ang pagtalon ng biktima na bumulusok sa ibaba ng condominium.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon ang mga kasama ng biktima sa condominium nang maganap ang insidente.
Aalamin ng pulisya kung itinulak o sad­yang tumalon ang biktima. (Juliet de Loza-­Cudia)