Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese, Malaysian timbog sa gun ban

0 37

Arestado ang isang Chinese at Malaysian matapos mabuking ang baril na dala nila sa loob ng kanilang bagahe sa isang hotel sa Parañaque City.

Kinilala ang Chinese na si Zheng Yi, 29-anyos, nanirahan sa Makati City at ang Malaysian na si Andy Lozada, 34-anyos, na nanunuluyan sa Sta. Cruz, Maynila.

Base sa imbestigasyon, papasok na sa VIP Lobby ng Okada Resorts and Casino ang dalawa nang isailalim sa X-ray ang mga dala nilang bag. Naaninag ng security personnel ang baril sa loob ng isa sa mga bagahe, kaya naman agad itong ipinaalam sa supervisor. Sinita ang mga suspek subalit nagtangka pa umanong tumakas kung kaya’t inaresto ng mga guwardiya.

Narekober sa kanila ang isang baril na caliber 40 model PT 24/7 Pro pistol na kargado ng bala.

Agad namang isinuko ang dalawang dayuhan sa himpilan ng pulisya. Nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at election gun ban. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.