Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese mall pasaway sa distancing

0 169

Ipinarating ng isang netizen kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagiging pasaway sa health at safety protocol ng isang Chinese mall sa Cagayan de Oro City matapos na mabalewala ang social distancing ng mga kustomer nito dahil sa warehouse sale ng mga branded na sapatos.

Sa kanyang Twitter post sinabi ni @Briseisji: “This is happening right now in Limeketkai Center CDO. I can’t understand why the government allow this event -80% less for Nike, Adidas.. Sir Teddy Boy Locsin, paki sabi kang Sec ng DILG at IATF pls.”

Ang petsa ng post ay August 15, 2020 at 11:45Am ang nakalagay na oras. Ibig sabihin nitong Sabado lang nangyari ang insidente sa Limeketkai Center. May kasamang litrato ang post ng naturang netizen kung saan makikitang siksikan na at mahaba ang pila ng mga taong namimili sa warehouse sale ng mga branded na sapatos.

Maiksi lang ang sagot ni Locsin subalit kinalampag nito ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

“IATF. Help,” komento lang ni Locsin.

Nagkomento rin sa insidente ang ibang netizen at sinabing may pananagutan dito ang may-ari ng mall gayundin ang sale organizer.

@Herbiwankenobi: “`Yong matitipid nila sa sale kulang pang isang araw na bayad sa hospital admission.”

@zaldytor: “Warehouse sale happening? The public were in violation of control protocol & failed to comply to social distancing? Mall security breach and attention to IATF guidelines?”

@arte24: “talaga ba limetkai ???!!! it’s also the malls responsibility.”

@ronylbravo: “The organizers of this event should be held accountable.”

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag sa insidente ang naturang mall o sale organizer nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.