Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese mas mababa multa kesa Pinoy, Liza nasaktan

0 732

“Akala ko, dapat protektahan natin ang ating mga kababayan?” – ang usisa ni Liza Soberano kagabi.

Nagkomento ang aktres hinggil sa multang pinataw kay Dong Li, ang babaeng Chinese na namalo ng payong sa ilang pulis Makati at kalauna’y nanakit sa dumadaang biker.

Sinita si Li dahil gusto niyang tumawid kahit pa green ang traffic light sa intersection. Posible siyang magmulta nang P550 o makulong nang hanggang 10 araw dahil sa insidente.

Kinumpara ito ng isang netizen sa P10,000 piyansa na sinampa kay Elmer Cordero, ang 72-anyos na tsuper na lumahok sa isang protesta para makabalik na sa kalsada ang mga traditional jeepney na sinuspinde mula Marso. Ang naturang piyansa ay para sa kaso niyang estafa.

Inaresto si Cordero, kasama ang 5 pang tsuper, dahil sa umano’y paglabag sa awtoridad sa nasabing protesta.

“This hurts. I thought we were supposed to protect OUR people?,” sambit ni Liza sa Twitter, Hulyo 11.

https://twitter.com/lizasoberano/status/1281904532042080256?s=20

Leave A Reply

Your email address will not be published.