Abante Tonite Interactive

Chinese medical team lalaban sa COVID

540

Sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang 10 Chinese medical expert kasama ang dalawa pang opisyal na ntutulong sa Pilipinas para malabanan ang COVID-19.

Kahapon dumating ang Chinese medical team sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). May bitbit pang banner na may nakalagay na `Laban Pilipinas’ ang mga dayuhang eksperto.

Ang grupo ay dumating lulan ng chartered flight na kinabibilangan ng 10 medical experts sa larangan ng ‘infectious disease prevention and control, clinic treatment and laboratory testing at dalawang opisyal na makikipagtulungan sa mga Department of Health (DOH) sa loob ng 15 araw.

Ibabahagi ng mga dalubhasang doktor mula China ang kanilang karanasan sa paglaban sa virus sa kanilang bansa partikular sa Wuhan at Hubei kung saan nagmula ang outbreak.

Ang mga Chinese experts ay hindi makikialam sa ‘directory clinical diagnosis o treatment sa halip ay makikipagtulungan lamang ito sa ‘medical treatment experience sa kanilang mga Filipino counterpart.

Ayon sa DOH , nakatakdang bisitahin ng grupo ang ilang local health facility para masilip kung ano na ang ginagawang hakbang ng pamahalaan.

Kabilang a mga posibleng puntahan ang mga referral hospital na San Lazaro Hospital at Lung Center of the Philippines.

Bukod pa dito, nag-donate din ang China government ng mga personal protective equipment, ventilator, at mga face mask para sa mga healthcare worker. ( Otto Osorio)

Tonite – Wendys Inhouse Ad