Abante Tonite Interactive

Chinese na adik sa casino, kulong sa ‘di nabayarang utang

340

Isang Chinese national na umano’y nalulong sa sugal sa casino ang naaresto makaraang hindi magbayad ng kanyang utang sa isang negosyante kahapon nang madaling-araw sa Pasay City.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong estafa si Shuai Liang, 37, may-asawa, isang customer service representative at nakatira sa No. 177 Yakal St., Brgy. San Antonio, Makati City.

Ayon sa pulisya, nangutang si Shuai sa negosyanteng si Jarvis Lopez, 38, ng P250,000 ngunit natalo ang suspek sa casino dakong alas-kuwatro nang madaling-araw sa loob ng Resorts World Manila sa Newport City, Pasay City.

Nangako ang suspek na ibabalik agad ang pera na may kasamang tubo dakong alas-10:00 nang umaga sa parehong araw ngunit hindi ito nangyari.

Nang muling komprontahin at singilin si Liang ngunit bigo pa ring makabayad ay humingi na ng saklolo si Lopez sa mga tauhan ng Villamor Police Community Precinct at ipinaaresto ang dayuhan. (Armida Rico)