Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese na nambugbog ng Makati enforcer ide-deport

0 263

Nirekomenda ng Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI) ang paghahain ng deportation case laban sa babaeng Chinese national na nanakit sa traffic enforcer at siklista sa Makati City.

Sa press briefing kahapon, sinabi ni BI national operations center chief Melvin Mabulac na nirekomenda nasa legal division ang pag-deport kay Dong Li, 27-anyos, na nabatid na turista ang status sa bansa.

Nag-viral sa social media si Li dahil sa pagsipa, paninigaw, at paghampas nito ng payong sa dalawang Makati Public Safety Department officer sa intersection ng Makati Avenue at Jupiter Street noong Martes. Una nang naghain ng reklamo laban sa dayuhan dahil sa physical injuries at resistance and disobedience to persons in authority.

“Basically, dalawa po ang tintignan natin siya po ay overstaying at the same time, yung undesirability,” ayon pa kay Mabulac.

Leave A Reply

Your email address will not be published.