Abante Tonite Interactive

Chinese nag-suicide sa matinding depresyon

2,525

Isang negosyanteng babaeng Chinese national na dumaranas umano ng matinding depresyon ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa loob ng kanilang bahay sa Tuazon Avenue, Brgy. Potrero, Malabon City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni PO2 Joenel Claro, pasado alas-kuwatro ng hapon nang matagpuan ang 59-anyos na dalagang si Bee Hua Ochura ng kanyang pamangkin na si Carlo Ochura, 22-anyos, na nakabigti gamit ang isang straw na nakapulupot sa kanyang leeg at nakasabit ang kabilang dulo sa poste ng kanyang banyo.

Napag-alaman naman na sumasailalim umano sa psychiatric therapy ang biktima at nagbigay din ng mga papeles at mga resibo ng mga prescribed medicine ang pamilya nito upang mapatunayan na may karamdaman ang dalaga.

Nagpasya rin ang pamilya ng biktima na huwag nang ipa-autopsy ang labi nito dahil kumbinsido sila na nag-suicide nga ito.