Abante Tonite Interactive

Chinese nagpakalunod sa Manila Bay

550

Nagpakamatay umano sa pamamagitan ng pagtalon sa dagat ang isang Chinese national na natagpuang walang buhay at palutang-lutang kamalalawa ng umaga sa Manila Bay sa tapat ng MJ Cafe sa Malate, Maynila.

Ito ang lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section hinggil sa ‘di na pinangalanang 55-anyos na biktima na tubong Hong Kong, Republic of China.

Ayon kay Police Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD-HS, base sa nakuha nilang impormasyon, sa nasabing lugar na umano natutulog ang biktima dahil wala na umano itong pera at naeskoba pa ang kanyang cellphone.

Kinukumbinsi pa umano itong pumunta sa barangay para doon matulog at humingi ng tulong pero tumanggi ito hanggang sa makita na lamang na palutang-lutang sa tubig at wala ng buhay.

Ayon kay Navarro, ipinagbigay alam na nila sa Chinese Embassy sa pamamagitan ng email ang sinapit ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia)