Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese nang-agaw ng baril, pintuan ng presinto binasag

0 53

Arestado ang isang Chinese matapos mang-agaw ng service firearm ng guwardiya nang tangkaing pumasok sa West Greenhills Subd., at sadyaing basagin ang glass door ng San Juan Police station para makatakas kamakalawa sa Barangay Greenhills, San Juan City.

Nahaharap sa kasong attempted theft at malicious mischief si Lei Yang Bing, 23, matapos ireklamo ng pagnanakaw ng baril ni Librado Labrador, ng Arms Security Agency habang pagbabasag naman ng pinto ng opisina ni PMaj. Dennis David ng SIDMB, San Juan City Police Station.

Umaga ng 5:45, Sabado nang tangkaing pumasok ng suspek sa West Greenhills Subdivision na pinigilan ng sekyu. Sukat doo’y kinuha umano ng suspek ang Caliber .38 Pistol Armscor nito.

Inireklamo ito ng guwardiya sa San Juan City Police station. Habang sinisiyasat ang Chinese ay wala itong masagot at hindi nakikipagtulungan sa pulisya kaya gumawa ng request sa Bureau of Immigration na ilipat sa kanilang kustodya ang suspek. Pilit namang binuksan ang glass door ng dayuhan at sinipa kaya nabasag. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.