Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese pork smuggling binabantayan

0 321

Kasalaukuyang binabantayan diumano ng Department of Agriculture (DA) ang smuggling o pagpuslit ng mga pork product mula China para maiwasan ang pagpasok ng bagong uri ng swine flu sa Pilipinas.

“So nakikiusap kami sa mga nagnenegosyo na nagpapaparating pa rin illegally, itong pork and pork products na galing mas lalo sa China `wag na natin dagdaaan ang problema natin sa bansa,” ani Agriculture Secretary William Dar.

Sa pag-aaral na inilabas umano ng isang journal sa Amerika, natuklasan ang isang panibagong klase ng swine flu sa China, na tinawag na G4 virus na galing sa strain ng H1N1 na naging pandemya noong 2009.

Sa ngayon, ipinagbabawal ang pag-angkat ng baboy at manok mula China dahil sa African Swine Fever, avian flu, at iba pang sakit ng mga hayop. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.