Abante Tonite Interactive

Chinese puppet si Panelo – Kiko

314

Inihalintulad ni Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa isang Chinese puppet si Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos nitong ibida ang bansang China sa isinagawang pulong balitaan sa Malacañang.

Sa isang Palace briefing nitong Huwebes, iginiit ni Panelo na dapat ipagpasalamat ng Pilipinas ang planong pagtatayo ng China ng maritime rescue center sa Kagitingan Reef sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pangilinan, walang pinagkaiba si Panelo sa mga politiko’t opisyal na sunud-sunuran sa bansang China gayong isang beses na rin aniyang pumabor si Panelo na pahintulutang mangisda ang Chinese people sa karagatan ng Spratlys.

“One would wonder sometimes which country he was speaking for. His every tone clearly manifests the language of a Chinese puppet,” saad ni Pangilinan.