Abante Tonite Interactive

Chinese takeover sa Subic ibinabala ng ex-Navy chief

230

Naalarma si dating Philippine Navy chief Vice Admiral Alexander Pama sa panganib na maaaring idulot sa segu­ridad ng bansa dahil sa posibleng pag-takeover ng China sa operasyon ng shipyard sa Subic, Zambales.

“Mga kababayan, sa aking tantiya itong balita ay nakakabahala at posibleng may kaakibat na panganib sa kalaunan,” pahayag ni Pama sa kanyang Facebook post.

May kinalaman ito sa balitang dalawang kompanyang Chinese na gumagawa ng mga barko (isa rito ay pag-aari ng gobyerno), na interesado umanong i-takeover ang operasyon ng Hanjin shipyard sa Subic matapos na magdeklara ito ng pagkalugi.

Sinabi ni Pama na hindi lang negosyo, pera at iba pang economic issue ang nakataya sa Hanjin shipyard kundi ang pambansang seguridad mismo.

“This is a VERY SIGNIFICANT NATIONAL SECURITY ISSUE! The owners unlimited access to one of our most strategic Naval and Maritime asset,” babala ni Pama.

Bagama’t isang commercial shipyard anya ang Subic ay maaari pa rin itong maging “de facto Nava; base” at maritime facility.

“Let us all be aware and wary of the serious security and other strategic implications of this issue!” pagdidiin ni Pama.

Nanawagan si Pama sa mga “patriotic business community” at sa gobyerno na huwag payagang mapunta sa maling mga kamay ang Hanjin shipyard.

Nanungkulan si Pama bilang Phi­lippine Navy chief mula 2011 hanggang 2012.