Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese timbog sa money laundering

0 466

TIMBOG ang isang Chinese sa Concepcion, Tarlac dahil sa pagkakasangkot umano sa money laundering.

Inaresto si Yizhu “Kenny” Chen, 30-anyos, isang negosyante, sa kanyang tahanan sa Barangay Alfonso.

Wanted si Chen sa apat na bilang ng paglabag sa Anti-Money Laundering Law.

Hawak na ang nasabing Tsino ng Concepcion Municipal Police Station sa Tarlac.

Inirekomenda naman ang P140,000 na piyansa sa bawat kaso nito. (Kiko cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.