Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese timbog sa pagdukot ng kababayan

0 108

Inaresto ng pulisya ng Makati City Police ang isang Chinese national nitong Lunes matapos masangkot sa kasong kidnapping sa Barangay Tejeros.

Kinilala ni PBGen. Jimili Macaraeg, hepe ng Southern Polce District Office (SPDO) ang dinakip na si Cai Guijia, Chinese, 26, ng Brgy. Tejeros, Makati City.

Inaresto ang suspek nang pormal na maghain ng reklamo ang isang Lou Chen Chen, 35, Chinese, na dinukot ang kapatid nito noong June 25.

Sa reklamo ni Lou, hindi na umuwi sa kanilang bahay ang kapatid na si Chao Fang, 24, grocery operator at bandang alas-11:00 ng gabi ay nakatanggap ito ng Telegram na naglalaman ng video ng biktima na sinasaktan.

June 27 ng hapon ay nakatanggap na ng message si Lou na hinihingan siya ng P3,000,000 cash kapalit ng kanyang kapatid at inatasan siyang dalhin sa Okada Hotel.

Agad namang kumilos ang pulisya at nagtungo sa nasabing hotel, Parañaque City na ikinadampot ng suspek at pagkakaligtas din sa biktima. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.