Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chinese timbog sa POGO trabaho modus

0 216

Inaresto ng Cavite Police ang isang Chinese national na inireklamo ng kanyang kababayan matapos niya itong ibenta at sapilitang pagtrabahuin sa isang kompanya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Bacoor City, Cavite Huwebes ng hapon.

Nakilala ang suspek sa pamamagitan ng Rogues’ Gallery ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) na si Yan Song Hong o Huang Zi, nasa wastong edad, Chinese national ng Shuangma Industrial Park sa Molino Blvd., Brgy. Niog 3, Bacoor City dahil sa reklamo ni Xu Peng, 30, binata, Chinese national ng Kasara Urban Residence, Ugong, Pasig City.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawa pang suspek na kasama ni Huang.

Sa reklamo ni Xu sa pamamagitan ng kanyang interpreter na si Joanna May Nalzaro Nelmid kay Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor Police, Nobyembre 28 ng nakaraang taon nang magtungo ang biktima sa Shuangma Industrial Park sa Molino Road, Brgy. Niog 3, Bacoor City upang mag-apply sa trabaho.

Inimbitahan umano ng suspek ang biktima sa loob ng kanyang dormitory at piniringan ito kasama ang dalawa pang kabaro at kinuha ang mga gamit nito.

SM food to go Banner Ad

Sa nasabi ring araw, sinundo si Xu ng company car ng Island Cove matapos siyang ibenta umano ng mga suspek sa isang kompanya ng POGO sa loob ng Island Cove.

Pinagtrabaho umano ang biktima at pinakawalan lamang siya matapos na makapagbayad ng humigit-kumulang sa P500,000.

Dakong alas-dos kamakalawa ng hapon nang sinamahan at inendorso ng AKG ang kaso niya sa Bacoor Police.

Ang naturang kaso ay unang hinawakan sa tanggapan ng AKG kung saan dumulog ang biktima, subalit matapos ang kanilang imbestigasyon, lumalabas na ‘walang kidnapping na naganap’ kaya inendorso nila ito sa Bacoor Police.

Mga kasong Grave Coercion and Trafficking in Person ang isinampa laban sa mga suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.