Abante Tonite Interactive

Chinese vessel sa Subic fake news, yacht lang pala

298

Hindi umano Chinese vessel ang namataang barko na naglalayag sa Subic bay Metropolitan Authority kundi isa lamang yate na pag-aari ng isang negosyante sa probinsya.

Ito ang ginawan­g paglilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos mapabalitang may nakapasok na Chinese vessel sa Subic.

“Upon verification by our law enforcement agencies: The Coast Guard and the PNP (Philippine National Police) maritime unit, it was found out that the vessel is actual­ly a yacht owned by a businessman based in Subic,” ayon kay Lorenzana.

Sinabi pa ni Lorenzana na ang yate ay isang dating Japanese research at survey vessel na tinawag na Tankai Maru.

Ito umano ay na i-convert sa isang motor yacht at pinagagamit sa mga turista sa Subic. (Juliet de Loza-Cudia)