Abante Tonite Interactive

Chinese walang modo sa MRT, pulis binuhusan ng taho

Pumalag sa liquid ban, kulong!

456

Arestado ang isang Chinese national na babae matapos sadyaing buhusan ng taho ang isang pulis makaraang pagbawalan na ipasok ang kanyang dalang soya food o taho para sumakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon nang umaga sa Boni Avenue, Mandalu­yong City.

Nahaharap sa kasong disobendience to agent of person in authority and direct assault si Jiale­ Zhang, 23-anyos, estudyante ng School of Fashion sa SoFA Design Institute at nakatira sa 30P Axis Residences­ Pioneer St. Mandalu­yong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director S/Supt. Bernabe Balba, naganap ang insidente bandang alas-8:30 Sabado nang umaga sa Boni Station, MRT-3.

Ayon kay S/Supt. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong Police, hindi niya palalagpasin ang inasal ng suspek sa pambabastos sa pulis na si PO1 William L. Cristobal, 39, ng Santa Ana St., Tondo Manila at miyembro ng RMFB 4th MFC.

Ayon sa imbestigasyon, naka-duty si PO1 Cristobal sa Boni Ave. MRT Station nang tawagin sila ng guard on duty ng MRT para ipaalam ang pagtataray ng isang Chinese natio­nal na pilit na ipinapapasok ang kanyang dalang ‘taho’ na nakalagay sa isang plastic cup.

Ipinaliwanag naman ng naka-duty na sekyu na mahigpit na ipinagbabawal sa MRT ang pagpapasok ng mga liquid item sa loob ng tren at maaari namang ubusin muna sa labas ng istasyon subalit mu­ling nagtaray ang dayuhan at sa galit ay ibinuhos ang dalang taho sa pulis na nakasuot ng uniporme.

Sa puntong pambabastos sa pulis na kung saan ay marami ang nakakita sa inasal ng dayuhan ay agad na itong dinala sa Police Community Precinct 5 ng Mandaluyong City Police at sinampahan ng kaso.

Panay naman ang hingi ng paumanhin ng babae dahil sa kanyang ginawa pero tinuluyan pa rin itong kasuhan.

Samantala, ipinaha­yag naman kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na kanilang iimbes­tigahan ang naturang insidente para malaman kung anong aksyon ang puwedeng gawin laban sa naturang Chinese.