Chito Miranda isinumbong sa ‘pambababae’

426

Ni: Vinia Vivar

Nagpatikim din sa basher ang asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda na nagsumbong sa kanya na nakita nito ang mister niya making out with Bubbles Paraiso.

Ipinost ni Neri ang screenshot ng mensahe ng isang netizen sa kanya na ganito ang nakasaad: “Saw your husband last night making out with bubble. Allthough in my mind I know they are very very close fren. Hmmmm And naisip pumunta to check ur husband IG. May post pala xa about bubble congratulating her. And na pa isip Tuloy ako lalo. Goodluck po and Godbless.”

Pinagtawanan ni Neri ang malisyosong mensahe and at the same time ay klinaro niya ang relasyon ng mister niya kay Bubbles, pati na rin kay Angel Locsin na minsang na-link sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar.

“May kailangan ba kayong i-explain sa akin? @chitomirandajr @bubblesparaiso? Hahaha! Tawang tawa talaga ako dito!

“Kasalanan ba nila Angel at Bubbles na magaganda at sexy sila? Bawal na magkaroon ng best friend na lalaki? Pagbabawalan ko na ba? Hehe!” ang simula ni Neri.

Dagdag pa ng dating runner-up ng “Star Circle Quest”, mula pa noon ay hindi niya binibigyan ng malisya ang friendship ni Chito kina Angel at Bubbles.

“Eversince hindi ko pinag isipan ng may malisya sila Chito kasama si Bubbles at Angel. Kung alam lang din ng mga tao kung paano nila asarin si Chito!

“Pero seriously, magkaibigan po talaga sila at never kong pinagbawalan si Chito maki-hang out sa kanila o kahit kaninong tao mapababae man o lalaki, ok lang sa akin.

“Why? Bakit ko kailangan siyang paghigpitan? Ang tao kung gusto nyang magloko, magloloko yan kahit ano pang bantay ang gagawin mo. Saka secured ako sa pagmamahal ng asawa ko. Kung dati ngang bf/gf palang kami, NEVER ko siyang pinagbawalan, mas lalo ngayong mag asawa na kami. Saka secured din ako sa sarili ko,” paliwanag pa ni Neri.

Pinuri niya rin ang dalawang girls dahil mababait daw ang mga ito.

“I love Angel and Bubbles kase mabait talaga silang tao, hindi lang kay Chito, pati sa amin na rin ni Miggy. Pati na rin si Neil, lagi nila inaalala kami ni Miggy.

“Gumawa pala ako ng vlog about sa pagchi-cheat ng lalaki, hehe! Featuring Chito soyempre. Post ko soon after ma-edit. Pero maganda rin etong topic na may mga close friends o best friends na mga babae ang bf o asawa mo. Paano mo malalaman na magkaibigan lang talaga sila,” pahayag pa ni Neri.

Dahil dito ay pinuri-puri ng netizens si Neri for trusting her husband at sa pagiging secured nito as a woman and a wife.

Kuwela naman ang sagot ni Bubbles sa issue nila ni Chito.

“Actually mali sya… it was @paoloparaiso making out with @chitomirandajr last night,” ang komento ni Bubbles.

Si Paolo Paraiso ay ang aktor na kapatid ni Bubbles, ama ng dalawang anak ng aktres na si Mylene Dizon.

You can leave anytime — Neri

Samantala, sa latest post ni Neri sa IG ay mababasa ang “You can leave anytime”.
Bahagi ng caption niya: “Kapag hindi ka na masaya, pwedeng pwede kang umalis.” Puno ito ng mga tips kung kailan dapat sumuko ang isang tao sa iba’t ibang sitwasyon.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...