Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chito nag-throwback sa Tonite

0 261

Naaliw si Chito Miranda sa sinend sa kanyang article ni Angel Locsin mula sa Abante Tonite.

Ang naturang write-up ay noon pang 2010, nang akalain ng mga close friend ni Chito na may masamang nangyari sa Parokya ni Edgar vocalist.

Nabahala ang mga tropa ni Chito na sina Angel Locsin at Bubbles Paraiso dahil bigla na lang naglaho na parang bula ang kanilang kaibigan at isang araw na hindi ma-contact.

Kahit ang ex-girlfriend nitong si Kaye Abad ay nag-worry din at naiyak pa dahil sa pag-aalala sa OPM artist.
Kuwento ni Chito, noong time na ‘yon ay nasa bahay siya nila Bubbles at Paolo Paraiso sa Quezon City, at doon niya naisip na tumakas para makasama si Neri Naig.

“Sinundo ko si Neri, at umakyat kami sa Tagaytay para mag-breakfast. Dun ko lang napansin na coding pala ako. #StyleBulok,” saad ni Chito.

Pareho raw silang lowbatt noon ni Neri at walang charger kaya naman hindi makontak ang kanilang pamilya at kaibigan.
Nang makauwi na siya sa bahay ay doon na lang niya nalaman na ini-report na pala siya sa pulis dahil akala ng kanyang mga kaibigan ay nawawala siya.

Isa sa ikinatuwa ni Chito ay picture ni Angel ang ginamit sa article kahit tungkol ito sa kanya.
“Anyway, nakakatawa lang. Lalo na yung fact na tungkol sa akin yung article pero pic ni Gel yung ginamit!” biro ni Chito. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.