Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chiz isasabak ng NPC sa senatorial race

0 132

Muling tatakbo si Sorsogon Governor Francis `Chiz’ Escudero sa pagka-senador sa 2022 national election, sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Kinumpirma ni Escudero ang kanyang pagtakbo uli sa pagka-senador sa hangaring madala ang mga naging karanasan bilang gobernador sa pagpapatibay ng mga batas para sa mga local government unit.

“I confirm Senate President Tito Sotto’s statement that I do plan to run for the Senate. I do plan to place my name once again in the ballot for the Senate in the hope that I will be able to do my part in helping our country recover from this pandemic after this administration,” ani Escudero.

SM food to go Banner Ad

Si Escudero ay dating nagsilbing senador mula 2007 hanggang 2019 bago maging gobernador ng Sorsogon.

Bago ito ay nanungkulan muna si Chiz bilang kongresista mula 1998 hanggang 2007 sa first district ng Sorsogon.

Bagama’t nangunguna si Escudero sa mga senatorial survey, sinabi nito na hindi siya dapat maging kumpiyansa dahil maraming matutunog na tatakbo sa 2022 para maging senador.(Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.