Abante Tonite Interactive

Chiz sa PNP: Kriminal ang hulihin, ‘di tambay

By
1,404

Kinalampag ni Senador Chiz Escudero ang Philippine National Police (PNP) na pagtuunan ng pansin ang mga pasaway at kriminal sa halip na lipulin ang mga tambay sa mga kalsada.

Ayon kay Escudero, mas maraming krimen at kriminal ang dapat pagtuunan ng pansin ng pulisya at hindi lamang ang mga tumatambay.

“Mas maraming kri­me­n at kriminal na dapat pagtuunan ng pansin,” giit ni Escudero.

Samantala, maging si Senador Win Gatchalian ay nalilito sa operasyon ng pulisya kontra mga tambay.

“Itong anti-tambay ope­­rations ng mga pulis ay nakakalito talaga because ‘yung pag-iistambay ay ‘di naman po labag sa batas po ito. I would really like to encourage the PNP na imbes anti-tambay, eh gawin nilang anti-pasa­way,” saad ni Gatchalian.

“Dahil ang masama po ‘yung ginagawa ng mga taong nakaistambay. For example ‘yung pag-iinom po sa labas ng kalye, ‘yung pagsusugal po sa labas ng kalye, ito po ‘yung mga bawal eh,” dagdag pa nito.

“‘Yung actions ng mga tambay ang masama kaya nga dapat pong gawin na lang ng PNP na anti-pasa­way. ‘Yung mga pasaway ang kanilang dapat hulihin at pagmultahin,” diin pa ni Gatchalian.

Hamon din anya sa mga bagong halal na opisyal ng barangay ang operasyong ito dahil kinakailangan nilang palakasin ang peace and order sa kanilang komunidad.

“Hamon ito sa barangay officials dahil bagong halal ho sila, ipatupad ‘yung kanilang mandato. Nasa kapangyarihan ho nila na gumawa ng ordinansa para sa kaayusan ng barangay,” dagdag ng senador.