Abante Tonite Interactive

Chloe ng Belladonas, inaming ex-dyowa ni Daniel

By
6,142

Inamin ni Chloe Sy ng Belladonas na naging magdyowa sila umano ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.

Seventeen pa lang daw siya nang maging mag-on sila ng actor-politiko.

Tumagal daw ng humigit-kumulang na isang taon ang kanilang relasyon.

Wala raw third party involved sa kanilang naging hiwalayan dahil mutual decision daw ito ng dalawa.

Dagdag pa ng palabang miyembro ng pina­kabagong girl group na mina-manage ng 3:16 Talent Management Agency, first boyfriend daw niya si Daniel.

Aware rin daw si Vice Governor na pinasok na niya ang showbusiness although hindi raw nito alam na sumasayaw din siya sa grupo.

Gusto kasing magpaka-versatile ng grupo dahil hindi lang singing, dancing kundi pati acting ang talent nila.

Aminado naman siyang ni-warningan siya ng parents niya noon tungkol sa bise gobernador. Pero, nanaig daw ang love niya para rito.

Ngayong nasa showbiz na siya at nag-aartista, hindi naman natatakot si Chloe na idenay siya ng actor at maparatangang nanggagamit.

Sa posibilidad na magkabalikan sila, hindi raw ito masabi ng dalaga dahil kung sakali nga naman ay wala namang hadlang dahil nananatiling single pa rin ang pride ng Bulacan.

Ayon naman sa manager at presidente ng 3:16 Talent Management na si Len Carillo, bagama’t ba­wal sa sinumang miyembro ng Belladonas at maging ng Clique V ang ma-in love, hindi raw naman ito makakaapekto sa trabaho nila dahil nakaraan na ito.

Hirit pa niya, naa-appreciate rin niya ang pagi­ging tapat ni Chloe na sa simula’t simula pa ay nagkumpisal na sa kanya.

Ayaw din daw niya itong i-judge at willing siyang payagang ikampanya ng grupo si Daniel kung sakaling tatakbo ito bilang governor ng Bulacan sa susunod na taon.

Ang Belladonas ay binubuo ng pitong naggagan­dahang dilag na may edad na 17 hanggang 20 na kinabibilangan nina Quinn, Phoebe, Chloe, Jazzy, Xie, Rie at Stiff.