Abante Tonite Interactive

Chloe ng Belladonnas game magpasilip ng puwet

By
634

Isa si Chloe Sy sa member ng fast rising all-female group na Belladonnas. Ang anim pang kasama niya ay sina Quinn Carillo, Rie Cervantes, Xie Fabricante, Jazzy Dimalanta, Phoebe Loseriaga, at Tin Bermas.

Mapapanood si Chloe at ang Belladonnas, plus Clique V sa pelikulang ‘Kodep’ na pinamahalaan ni Direk Neal Tan. Ito ay prodyus ng 3:16 Productions ni Ms. Len Carillo.

Inusisa namin siya ukol sa update sa kanilang movie?
Tugon ni Chloe, “Tapos na po ‘yung movie. Isa itong advocacy film, isang drama movie ito.
“Ang role ko sa movie ay magkakaklase kami rito, friends kami.”

Abante Hiring – IT dep

Ano ang nararamdaman niya dahil malapit nang mapanood ang Kodep? Kinakabahan ba siya?

“Hindi naman po ako kinakabahan, actually ay nae-excite po ako dahil malapit nang mapanood ang movie namin.”
Tinanong din namin siya kung sino sa tingin niya ang pinaka-seksing actor sa bansa?

“Si John Lloyd (Cruz) po, dahil ang hot niya, eh. Hahahaha! Ang hot niya kasi talaga, plus ang guwapo-guwapo pa niya at ang galing pa niyang artista,” nakatawang pahayag ng 18 years old na dalaga.

Dagdag pa niya, “Opo, iyong tipong John Lloyd ang gusto kong maging boyfriend, iyon ang gusto kong mahanap, hahaha!”

Game ba siyang magpa-sexy sa isang project? Mabilis na sagot niya, “Opo, game naman po.”
Hanggang saan ang kaya niyang gawin? Hanggang saan ang limitation niya sa pagpapa-sexy?
“Depende po sa mapag-uusapan, two piece, love scene… kaya naman po.”
Kung bath tub scene na may sabon-sabon ka pa sa katawan pero medyo masisilip iyong butt mo, game ka rin ba? “Trabaho lang po, so, kaya naman po, kakayanin po, hahaha!” nakatawang bulalas pa ni Chloe.