Abante Tonite Interactive

Chokoleit bugaw ni Pokwang

400

tonite-pak-allan-dionesAs expected ay ang saya ng huling gabi ng lamay para kay Jonathan ‘Chokoleit’ ­Aguilar Garcia.

8:00 PM ang misa nu’ng Huwebes sa Paket Santiago Funeral Homes sa may Marcos Highway, na sinundan ng necrological service ng Star Magic. Halos lahat ay puti ang suot that night.

Si Pokwang ang unang nagbigay ng eulogy. Laugh trip ang mga kuwento ni Pokie na isa sa closest friends ni Chokie.
Aliw ‘yung chika ni Pokwang na ‘bugaw’ niya si Chokoleit noon at panay ang sabi nito sa kanya na magpatira siya sa Kano para gumanda ang lahi niya.

Abante Hiring – IT dep

Kaya isa raw si Chokoleit sa mga natuwa nu’ng maging dyowa niya ang Amerikanong si Lee O’Brian, na ‘nakaplan­tsahan’ daw ni Pokie sa bath tub scene nila sa pelikulang “Edsa Woolworth” na kinunan sa US.

Nang mabuntis daw ni Lee si Pokie ay banned si Chokie sa bahay niya dahil ayaw niyang mapaglihian ito. Baka raw kasi blue eyes nga ang lumabas na anak niya pero kamukha naman ni Chokoleit.

Sunod na nagsalita nang sama-sama sina K Brosas, Pooh at Vice Ganda, pero nag-join din sa kanila si Pokie. Ang saya ng okrayan, na kahit tegi na ay hindi pa rin nakaligtas si Chokie sa panlalait ng mga kaibigan niya.

Sey ni Vice, in fairness ay mas fresh daw si Chokoleit nu’ng patay na ito dahil ‘yung makeup ay kapit na kapit.
May eksenang kinantiyawan ni K si Vice na pa-girl ito porke meron itong lovelife (balita kasing inamin ni Ion Perez ang relasyon nila ni Vice sa “GGV”), pero patay-malisya lang si Vice.

Ani K, ganu’n lang talaga silang mag-okrayan na magkakaibigan na ‘yung ibang tao ay hindi naiintindihan. Ganu’n daw sila mag-cope sa pagkawala ni Chokoleit.

Actually, panay ang lokohan at biruan nila pero may times na bigla na lang tatahimik sina Pokie at K, tapos ay maiiyak dahil wala na ang mahal na mahal nilang si Chokie.

Related Posts

Hirit ni Pokwang, gusto talagang magpa-cremate ni Chokoleit kaya lang daw ay mahal ang cremation, so half cook na lang. Sa bahay na lang daw itutuloy ‘yung kalahati.

At dugtong ni Vice, wish din daw ni Chokie na ‘pag na-cremate na ito, ‘yung abo ay ikalat sa pa­labok.

Klasik din ‘yung kuwento ni Vice na ang panakot lagi sa kanila ni Chokoleit ay magsa-shabu ito. So, ‘pag may hinihingi raw ito na ayaw nilang ibigay, mapipilitan silang ibigay kesa mag-shabu ito.

Nanghinayang si Vice dahil okey na okey daw ngayon si Chokie kumpara noon na ang tindi ng mga pinagdaanan nito.
Para kay Vice ay isa si Chokoleit sa greatest comedians, habang kay K ay si Chokie talaga ang pinakamagaling na komedyante sa balat ng lupa.

May ilan pang nagsalita at kumanta pero ‘yung kina Pokie, K, Pooh at Vice na ang pinaka-highlight.

Ang host na si Anton Diva ay kakantahan sana si Chokie ng “Leader of the Band” pero ilang beses huminto ang CD nito at hindi nito maituloy ang kanta. Samantalang sina K at Klarisse de Guzman ay hindi nagkaproblema.
Si Vice ang nagpa-cater ng dinner nu’ng gabing ‘yon, hindi ang Star Magic.

Kukunan dapat namin ng video ang masayang eulogy, pero may guard na naninita ng mga kumukuha ng celfone video. Request daw ng pamilya at ng Star Magic, na feeling namin ay gusto lang maka-exclusive ng Star Magic para sa kanilang FB at YouTube channel.

Hindi na namin nahintay ‘yung 3:00 AM na pa-show ng mga taga-Laffline at Punchline para sa Mahal Na Reyna nilang si Chokoleit. Kaya ganu’ng oras ay dahil tinapos pa ng ng mga beks ang set nila sa comedy bars.

Kahapon ng hapon ay dinala na ang mga labi ng 48-anyos na komedyante sa kanyang hometown sa Davao. Sa Linggo ang cremation doon ni Chokoleit.

Angel nanita sa Twitter

Nu’ng Thursday night ay nag-tweet sa amin si Angel Locsin ng reaksyon niya sa isang video na tinag namin sa kanya sa Twitter.

Nakausap kasi namin si Ryza Cenon sa unang gabi ng burol ni Chokoleit at tinanong namin si Ryza kung may alam ito sa ginawang pagwu-walkout ni Angel sa set ng “The Ge­neral’s Daughter.”

Actually, very safe naman ang mga sagot ni Ryza at wala raw talaga siyang alam dahil tulog siya sa set nang mangyari ang insidente. Itinanggi rin niyang may isyu sa kanila ni Angel.

Itinag namin si Angel nang i-tweet namin ang link sa nasabing video.

Tweet ni Angel, “Thank you for tagging me, Sir Allan. As a well respected veteran JOURNALIST, I’m just wondering why after all the stories you’ve published u never took the time to get my side? Madali naman po akong ma-contact bilang magkakilala naman po tayo kung katotohanan po ang hanap nyo :)”

Sinagot agad namin si Ms. Angel via DM (bilang pina-follow naman namin ang isa’t isa sa Twitter). Mas pinili naming i-direct message na lang siya kesa makipagsagutan kami sa kanya in public.

Basically, ang sabi namin kay Ms. Angel ay totoong hindi namin kinuha ang side niya sa walkout issue, pero ang tanong: Kung tinanong ba namin siya tungkol dito ay magsasalita siya?

Isa kami sa mga unang nagsulat tungkol sa naganap na walkout at sa tuwing sinusulat namin ito ay tina-tag namin palagi si Angel, na anytime ay puwede siyang magreak kung gusto niya bilang puwede niya kaming i-tweet o i-DM.
Pero sa makailang beses naming pagsulat at pag-tag sa kanya ay nanatili siyang tahimik at never naman siyang nagreak… until now sa video interview namin kay Ryza.

Sumagot sa amin si Angel via DM at may sinabi siya sa aming medyo ikina-touch namin.

Bottomline ay puwede raw namin siyang tanu­ngin at kung hindi siya komportable ay sasabihin niyang hindi siya komportable. At minsan daw ay kailangang tumahimik na lang at palampasin.

Inulit namin sa kanya na handa kaming makinig sa kanya kung anuman ang gusto niyang sabihin tungkol sa isyu at ilalabas namin ang side niya.

Nagpasalamat kami sa reply niya, pero hindi na siya ulit sumagot pa.

Hanggang ngayon ay never pang nagsasalita si Angel hinggil sa walkout issue. Feeling namin ay wala naman siyang balak magsalita talaga.

Pero sakaling magbago ang isip niya… para sa katotohanan ay alam niyang nandito lang kami. Isang tweet o isang DM lang.