Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chop-chop victim tinapon sa Mt. Makiling

0 69

Limang plastic na naglalaman ng pinagpira-pirasong bangkay ng isang lalaki ang natagpuan sa may Mt. Makiling, Martes ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Chitadel Gaoiran, nadiskubre ng dalawang nangunguha ng mga halaman ang mga plastic na nakabalot pa sa tape sa jamboree site sakop ng Barangay Batong Malake, Los Baños.

Unang inakalang mga basura ang laman pero nang buksan ay tumambad ang putol-putol na katawan ng isang lalaki.

Sa imbestigasyon ni SSgt. Alvin Jade Apolinario, posibleng madaling-araw itinapon sa lugar ang biktima.

Ayon pa dito, buo ang ulo ng biktima at base sa hitsura ay posibleng isa itong Chinese national.

Isinailalim na sa pagsusuri ng SOCO ang biktima at inaalam ang pagkakakilanlan nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.