Abante Tonite Interactive

Chot, kinandado ensayo ng Gilas

5,096

Umpisa kahapon,closed door na ang praktis ng Gilas Pilipinas.

Simula na ng dikdikang paghahanda ng Filipinos laban sa Australia na hahamunin sa Window 2 ng 2019 FIBA Cup Asian Qualifiers.

Dadayo ng Melbourne ang Gilas para hamunin ang Boomers sa Feb. 22. Parehong 2-0 ang dalawa at hawak ang lead sa Group B.

Immediate-Hiring-Ads

Sa Twitter ipinarating ni Chot Reyes (@coachot) ang balita na sarado na muna sa media at sa publiko ang ensayo.

“Gilas practices will be closed door starting today. Hoping for everyone’s understanding,” post ng national coach.

Sa Feb. 19 nakatakdang tumulak patungong Melbourne ang Gilas.

Noong Biyernes ay dumating na rin sa bansa si naturalized Andray Blatche na mukhang naka-kondisyon na, at inaasahang makakasabay sa daily practice ng team.

Maliban kay Troy Rosario na may tahi sa baba bunga ng pagbagsak sa isang laro ng TNT noong isang linggo, inaasahan ding kumpleto ang Gilas pool sa practice.