Abante Tonite Interactive

Chot Reyes natauhan, nagbitiw sa Gilas Pilipinas

Sa wakas!

1,844

TULUYAN nang nagbitiw bilang head coach ng Gilas Pilipinas si Chot Reyes.

Sa statement na inilabas ng ESPN5, sinabi nitong pumayag siya noong 2016 na ma­ging head ng Nationals dahil sa pakiusap ni SBP chairman emeritus Mann­y V. Pangilinan.

Sa kabila ng pagbibitiw, patuloy aniya siyang tutulong sa Gilas Pilipinas sa ibang paraan.

“I came out of retirement to coach Gilas because MVP [SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan] asked me back in October 2016. Amid my growing res­ponsibilities in 5 and other big projects, I accepted, because I have complete trust in MVP’s judgement and more importantly, because it was an opportunity to serve the country,” ayon sa kanyang pahayag.

“We have long worked for full support from all of Philippine basketball’s major stakeholders – from Coach Rajko Toroman’s time, to my stint in 2013 to 2014, then Coach Tab Baldwin, until my current tenure. Now that the PBA has opened its doors fully to the SBP [Samahang Basketbol ng Pilipinas] and the national team, it is time for me to step aside and contribute in a different capacity, focusing on the 2023 program.”

Nakipagrambulan ang Gilas Pilipinas ni Chot nitong Hulyo 2 kontra Australia Boomers, 10 manlalaro ang na-suspende habang isang larong suspension din ang ipinataw sa kanya na naging daan upang tapikin ng SBP si Yeng Guiao na pansamantalang pumalit sa kanya.

Nasa Tehran na sina Guiao at ang bagong bihis na Gilas para sa September 13 duel kontra Iran sa secnd window ng 2019 FIBA Asia Qualifiers.

Babalik ang Gilas para sa September 17 game kontra Qatar sa Big Dome.

“Together with all the players & coaches who have sacrificed and put their careers on the line for flag and country, we wish Coach Yeng and the current team great success, as they continue the World Cup journey. We are with you. Once Gilas, always Gilas. To our fellow Filipinos, let’s all give it our best. To fight ‘til we couldn’t fight anymore. For our country. With all our hearts. Laban. Pilipinas. Puso!”