Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chot, TNT nagbalikan

0 38

Magbabalik si Vincent “Chot” Reyes bilang head coach ng TNT Tropang Giga sa ika-46 taon ng PBA.

Ito ay matapos na tuluyang bitiwan ng higanteng telecommunication company ang consultant na si Mark Dickel.

Inihyag mismo ni PBA chairman at TNT governor Ricky Vargas ang desisyon Sabado ng gabi hinggil sa pinakamalaki na marahil na galaw sa offseason ng koponan na kumuha din ng kinakailangan nitong mga manlalaro.

“It’s like a homecoming for Chot. He is a coach that gave us four championships. We look forward to a successful relationship with coach Chot,” sabi ni Vargas sa statement.

SM food to go Banner Ad

Hahawakan ni Reyes ang coaching job ng koponan kung saan ay mawawala sa Tropang Giga ang active consultant na si Dickel habang ang dating head mentor na si Bong Ravena ay magsisilbi na isa sa TNT deputies.

Umaasa naman kahit na may biglaang pagbabago sa coaching staff si team manager Gabby Cui na mapapanatili ang buong coaching staff na kinabibilangan nina Sandy Arespacochaga, Roel Escueta, Alton Lister at Josh Reyes.

Una nang kinuha ng Tropang Giga si Glenn Khobuntin bago idinagdag si Dave Marcelo para palakasin ang koponan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.