Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CHR: 466 ‘nanlaban’ sa tokhang operation, 11 lang buhay

0 220

Labing-isa lamang sa 466 katao na umano’y nanlaban sa operasyon kontra ilegal na droga ng pulisya ang pinalad na mabuhay, ayon sa inilabas na report ng Commission on Human Rights (CHR) kahapon.

Ang report ng CHR ay ibinase sa 579 insidente ng karahasan na ini-ugnay sa anti-drug campaign na sinimulan noong 2016 hanggang nitong Pebrero 2020.

Saklaw din ng CHR report ang mga kaso sa National Capital Region, Re-gion III at Region IV-A na naitalang pinakamaraming nasawi na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa 579 kaso, 870 ang naitalang biktima, 71 dito ay mga kababaihan at tinatayang 24 ang menor de edad.

“However, despite police protocols prescribing necessary and reasona-ble force in subduing resistance by an aggressor, only two (2) per-cent or 11 individuals survived the alleged nanlaban incidents,” ayon pa sa ulat.

Samantala aprub naman sa CHR ang inilabas na detalye ng Department of Justice (DOJ) sa 52 kasong iniimbestigahan nito kaugnay sa anti-drug operation ng gobyerno.

Leave A Reply

Your email address will not be published.