Abante Tonite Interactive

CHR gigil sa napatay na Sayyaf sa Bohol

By
11

Namimili umano ng iimbestigahan ang Commission on Human Rights (CHR), ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Bukod dito, tila sadyang tinitirya ng CHR ang administrasyong Duterte dahil sa gigil na imbestigahan ang insidente ng pagkamatay ng isang gala­may ng Abu Sayyaf na sinasabing nanlaban sa mga pulis.

Sinabi ni Panelo na kapag ang Philippine National Police (PNP) ang nalalagasan ng miyembro sa engkuwentro ay hindi naman nagsisiya­sat ang CHR.

“Alam mo iyong Commission on Human Rights na iyan, bakit ‘pag may namamatay na police eh hindi sila nag-i-imbestiga. ‘Pag may pinapatay ang police na mga kriminal, mga lumalaban sa kanila, palaging parang napapansin ko na iyan. Gusto lang nilang maghanap… magagawa ng akusasyon sa administrasyon o sa mga police,” komento ni Pane­lo sa isang panayam kahapon.

“Parang they are not doing their function well, namimili sila ng iimbestigahan nila. Dapat lahat iimbestigahan nila kung (may) violation ng human rights,” dagdag pa ni Panelo.