Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CHR kakalkalin mga pag-aabuso ng rebeldeng komunista

0 268

Sisimulan na ang pag-iimbestiga ng Commission on Human Rights (CHR) sa 1,506 paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na ngayon ay kilala na bilang communist terrorist group (CTG) mula noong 2010 hanggang 2020.

Ito’y matapos maipasa ni Brig. Gen. Jose Alejandro S. Nacnac, director ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Center for the Law on Armed Conflict, kay CHR Commissioner Karen Dumpit ang listahan ng mga kaso ng pagpatay at iba pang mga pagpapahirap umano ng CPP-NPA-NDF sa loob ng sampung taon na nabanggit.

“Ipinangako ni Commissioner Dumpit na kanyang ibibigay ang listahan ng mga kaso sa kani-kanilang mga regional offices upang imbestigahan ang mga ito. Mayroon na silang 1,506 kaso na iimbestigahan. At patuloy pa rin kami sa aming mga pagkalap, dahil tuloy-tuloy pa rin ito,” ang pahayag ni Nacnac.

Leave A Reply

Your email address will not be published.