Abante Tonite
Mabilis sa Balita

CHR pinabura killer cop video sa FB

0 104

Hiniling ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamunuan ng Facebook na burahin lahat ng video na may kinalaman sa pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay CHR Regional Director Leorae Valmore, sumulat na sila sa Facebook upang agad alisin ang mga video ng pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia Gregorio, 52-anyos at Mark Anthony Gregorio.

Ginawa umano ito ng CHR dahil hanggang ngayon nakakaapekto pa rin sa pamilya ng mga biktima ang naturang pangyayari lalo pa at may mga menor de edad sa insidente.

SM food to go Banner Ad

Samantala, nabatid na nitong Miyerkules ay sumalang sa psychological debriefing ang pamilya ng mag-inang Gregorio matapos bisitahin ng mga personnel ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Valmore, naunawaan nila ang pag-upload sa video ng pamamaril dahil nais lamang iparating sa mga kinauukulan ang naturang insidente.

Subalit ngayong nakuha na aniya ang simpatiya sa nangyaring pamamaslang, marapat lamang na burahin na ng Facebook ang naturang video dahil lalo lamang pinabibigat ang kalooban ng pamilya ng mga biktima kapag patuloy na kumakalat ito sa social media. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.