Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Chris aksidente ang nude scandal

0 157

NI: MILDRED BACUD
Aksidenteng na-post ng Captain America star na si Chris Evans ang nude photo nito sa social media. Nag-share kasi ng video ang aktor sa kanyang Instagram stories kung saan naglalaro siya ng charades game na “Heads Up.”

Pero epic fail dahil ang nasabing video ay napunta sa screen recording at napunta sa camera roll .Nakita ang isang maselang photo na specifically ay larawan ng isang penis.

Dahil dito ay naging trending si Chris sa Twitter.

Hindi naman naging malinaw kung sino ang nag-screen recording at kung kaninong ari ng lalaki ang nasa photo

Marami namang fans ang nagpaabot ng suporta sa aktor at sinabing huwag na daw sanang ikalat pa ang larawan dahil hindi ito nakakabuti sa aktor na apektado sa nangyari at nagkakaroon na nga ng anxiety. Irespeto naman daw ang kanyang privacy. Ipinagtanggol din si Chris ng co-star sa Avengers na si Mark Ruffalo at nag tweet ng ” “Bro, while [President Donald] Trump is in office there is NOTHING you could possibly do to embarrass yourself. See… silver lining.”

Burado na ang nasabing IG story ni Chris.

Leave A Reply

Your email address will not be published.