Abante Tonite Interactive

Chris McCullough, SMB abot-kamay ang titulo

439

Itinayo nina Chris McCullough. Terrence Romeo at June Mar Fajardo ang nabaon sa 16 points na San Miguel upang matimbog pa ang TNT, 99-94, at lumapit sa titulo ng 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup best-of-seven Finals Miyerkoles nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Humagupit si McCullough ng 35 points at 22 rebounds, naka-22 markers si Terrence Romeo at may 16 pts. at 11 boards si June Mar Fajardo para sa back-to-back win ng Beermen sa serye.

May tsansang wakasan ng SMB ang KaTropa sa tirada ng Game 6 bukas nang gabi sa nasabing Quezon City playing venue pa rin.

“Mentally, we locked in, we try to make three stops. Two stops in a row, quick bucket and we came through. We got the win today, be ready for Game Six, play good basketball and win championships,” bulalas ni McCollough.

Isang atake ni import McCollough ang nagtulak sa Beermen sa 95-94 abante sa natitirang 26.5 segundo ng laro. Una nito ay ipinasok ni McCollough ang dalawang free-throws upang ilapit ang Beermen sa 93-94.

Ang iskor:
San Miguel 99 – McCullough 35, Romeo 22, Fajardo 16, Pessumal 9, Ross 7, Cabagnot 4, Standhardinger 4, Santos 2.

TNT 94 – Jones 35, Castro 18, Rosario 16, Pogoy 12, Trollano 7, D. Semerad 6, Taha 0, Reyes 0, Heruela 0, Magat 0.
Quarters: 22-28, 45-49, 69-80, 99-94. (Lito Oredo)