Abante Tonite Interactive

Chris Tiu papapel sa SEAG

372

‘Di pa naglalaho kay former Rain or Shine guard Chtistopher John ‘Chris’ Tiu ang mundo ng sports.

Pumayag siyang pamunuan ang Phisgoc Volunteer Program Team para sa parating na 30th Southeast Asian Games 2019 sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Magugunitang pinamunuan din ni Tiu ang Sinag Pilipinas bilang team captain noong 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia kung saan nasungkit ng koponan ang gold medal kontra Thailand.

Kaya naman bilang suporta sa mga atletang Pinoy sa biennial meet, maninilbihan siyang volunteer.

“Nilapitan ng Phisgoc management si Mr. Chris Tiu. ‘Di naging mahirap ang usapan dahil naniwala siya sa prog-rama ng volunteers at handa siyang tanggapin ang responsibilidad at pananagutan. Handa siyang maglaan ng oras at sariling kakayahan para pamunuan ang 12,000 volunteers na magiging bahagi ng 30th SEA games upang makatulong sa bayan,” saad ni Mae Casabar ng Phisgoc management.

Bilang Deputy Director, si Tiu ang mangangasiwa sa kabuuan ng Volunteers Program at tiniyak niya na magiging alinsunod sa kabuuang vision, misyon at layunin ng PHISGOC. (Myris Lee)