Abante Tonite Interactive

Christel nalalaswaan sa babaeng gumagamit ng vibrator

2,277
Si Christel Banzon ang 18 years old na candidate no. 7 para sa Tonite Babe Ganda Mo, Teh! Tubong Pangasinan, siya ay may taas na 5’ 7” at may vital statistics na 34-25-36.
Ang sports niya ay volleyball at badminton, samantalang ang hobby ni Tel (nickname ni Christel) ay watching mo­vies. Siya ay nagta-talent din at nakalabas na sa ‘MMK’, ‘Contessa’, at sa pelikulang ‘I’m Ellenya L.’.
Ano usually ang suot niya kapag natutulog? Naranasan mo na bang matulog na totally naked? “Ang suot ko po ay short, T-shirt o pajama. Hindi pa po ako natulog ng naked, naka-suot ng underwear lang, naranasan ko na pong matulog. Masarap naman matulog ng ganoon or panty at bra lang ang suot, mas presko po,” aniya.
Since siya ay No Boyfriend Since Birth, tingin ba niya iyong experience sa sex ay ordinaryo na lang sa mga teenager ngayon? “Siguro po, kasi ay marami na pong nagva-viral na teenager sa social media about sa sex, eh.”
Ano ang tipo niyang maging boyfriend? “Iyon pong may pangarap, iyong may direksiyon sa buhay, iyong may ambisyon sa buhay.”
Sinong actor ang crush? “Sina James Reid po at Enriquel Gil, kasi, ang hot po nila pareho at ang guwapo po, mahilig po kasi ako sa mga tisoy.”
Sino ang actor na pantasya niya? “Si James Reid,” matipid na sagot niya.
Paano ba magpantasya ang babaeng NBSB? “Ano po, laging tinitignan lang ‘yung mga pictures, ini-imagine na sana po boyfriend ko siya, habang akap po ang unan, hahahaha! Kinikilig po ako kasi talaga sa kanilang dalawa, kina James at Enrique.”
Sino sa tingin niya ang mas magaling sa bed, bagets or older guy? “Older guys po, kasi mas may experience na sila sa sex, eh.”
Ano ang naramdaman niya nang unang makapanood ng porno movie? “Hindi pa po kasi ako nakakapanood ng porno movie, ‘yung mga sex video lang na nag-viral sa Facebook na aksidente ko lang po nakita.”
Ano ang naisip niya nang nakita iyon? “Ano po, malaswa po, na bakit kailangan pang i-post sa social media or bakit kailangan pa nilang i-video ‘yung mga ganoong bagay. Parang kadiri po…”
Kapag naka-experience na, ano kaya ang mas pipiliin niya, sex or chocolates? “Kapag my boyfriend na po, chocolates, kapag may asawa na, sex po, hahaha! Kasi po, kapag mag-asawa na kayo, normal na lang naman po ang sex. Pero kung mag-boyfriend pa lang at ginagawa ninyong parang hobby iyon, iyon ‘yung parang malaswa..”
Ano ang masasabi niya sa mga babaeng gumagamit ng vibrator? “Parang malaswa po, kasi hindi po normal ‘yung ganoon, eh. Parang binababoy nila ‘yung sarili nila.”
Iyong babaeng nagse-self sex, ano ang masasabi niya? “Ganoon din po, parang kadiri, pero nasa kanila na po iyon, eh. Pero kung mga misis na ang asawa ay nasa abroad, si­guro ay okay lang po yun, siguro ay nangungulila lang sila sa asawa nila, eh,” sambit pa ni Tel.
Creative Director: Roldan Castro, Project Director: Meg Perez, Photographer: Ben Nollora, Assistant Stylist: Mark Talaue, Swimwear: Julius Pegarro. Make Up: Cut Encarnacion Group of Salon, Creative Team: Panji Penaflor, Swit Garcia, Ariel Carlo Reyes, Lj Gellido.
Sa mga gustong sumali para maging TONITE Babe para sa buwan ng October, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.
Para naman bumoto, gupitin sa Abante Tonite si Christel Banzon, Tonite Babe #7 Batch 2 for September” (70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.
May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa TONITE Babe, Abante TONITE office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.
Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Ma­nagement Services hanggang sa second degree of consanguinity.
Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang ibang seksing larawan ni Christel Banzon, du­malaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.