Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Christi kinilig kay Marlo

0 69

NI: ALWIN IGNACIO

Isa sa mga baguhang ipinakikila sa “Ayuda Babes” si Christi Fider. May hit song na si Christi, na isa ring vlogger, ang Teka,Teka,Teka” na naging mabenta sa TikTokers dahil ginamit ang kanta sa kanilang dance videos.

Isa nga sa pinaka-popular na “Teka, Teka, Teka” TikTok video ay yung ginawa ni papable Zeus Coilins.

Chika ni Christi: “Gusto ko talaga mag-artista kaya lang mas nauna dumating ang offer to record a song composed by direk Joven. Kaya naman laking tuwa ko when I was offered a role sa Ayuda Babes.”

“Enjoy sa shoot dahil masaya kasama ang mga co-star ko na mahuhusay in their respective roles. They did not make me feel na baguhan ako,” wika pa ni Christi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa true lang, mas bet ni Christi ang acting over singing kaya if ever daw may bagong movie offer na dumating ay tatanggapin niya ito basta maganda ang script at bagay sa kanya ang role.

Eh kamusta naman bilang leading man si Marlo Mortel, kinilig ba siya? Matamis na ngiti ang reaksyon ni Christi with matching pamumula ng pinsgi. Naku ha, kiniklig nga ang dalaga kaya naman.

Sagot nito: “Ms. A blush on ko lang iyan. Hahahaha. He is very nice. Hindi naman ito ang first time that I met him. Magaan siya ka-work and super pleasant.”

Kasama rin sa pelikula ni direk Joven Tan sina TikTok King Gardo Verzosa, theater stalwart Joey Paras, Cinema One Best Actress for “Mamu Is A Mother Too” Iyah Mina, It’s Showtime Miss Q and A First Season Queen, Juliana Porizcova Segovia, comedy bar hosts, performers at vloggers Negi, Brenda Mage, Petite Brockovich, Berni Batin, at ang nag-iisang Original Mash Up Queen Ate Gay.

Sa March 5 na ipapalabas ang :Ayuda Babes” sa IWant, TFC at Ktx.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.