Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Christian atat sa bakbakan

0 203

ISANG linggo matapos ma-trade patungo sa Barangay Ginebra Gin Kings, naglabas na ang dating NorthPort Batang Pier forward na si Christian Standhardinger nang saloobin nito.

Ginamit ni Standhardinger ang social media para ihayag ang pagkasabik nito na maglaro para sa pinakasikat na ball club sa Philippine Basketball Association (PBA).

“I am excited to be part of the San Miguel Corporation again and to be playing directly under governor Alfrancis Chua,” sey ng 31-anyos na Filipino-German, first pick overall ng San Miguel Beermen noong 2017.

Ngayon ay balik na sa puder ng San Miguel Corporation (SMC) si Standhardinger, nakuha ng Ginebra sa Batang Pier sa one-on-one trade kapalit ng 7-footer na si Greg Slaughter.

“I can’t wait to go to battle with my new teammates and coaches! I will do my best to contribute to this already great team. Let’s do this, Kabarangay!” dagdag ng 6-foot-8 na si Standhardinger.

Sa nag-iisang conference na PBA Philippine Cup bubble noong isang taon, nagtala ang two-time PBA champiion ng 19.9 puntos, 12 rebounds, 3.8 assists at 1.3 steals per outing sa likod ng 49.4 field goal percentage sa

10 laro.

Nahirang din itong Best Player of the Conference sa 2019 Governors Cup. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.